Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pasiyang tuluyan nang i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ay sa kabila ng paghahain ng petisyon ng mga senador sa korte suprema para desisyunan ang usapin kung kinakailangan ang concurrence o pag-apruba ng Senado tuwing kakalas ang bansa sa isang tratado tulad ng VFA.
Ayon kay Pangulong Duterte, para sa kanya nagsimula nang bumilang ang 180 na araw para mag-alsa balutan ang tropa ng Amerika at umalis na ng bansa.
Iginiit ng Pangulo, hindi rin siya maaaring pilitin na humingi pa ng concurrence mula sa Senado.
We are beginning to count the 180 days for them to pack up and go I am not reneging on the VFA and I am not going to America to discuss this to anybody though I respect highly of Trump ” Ani Duterte