Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa national MSME Summit 2018 sa ASEAN Convention Center sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Iginiit ni Pangulong Duterte na kung bababa siya sa puwesto matapos ratipikahan ang bagong Saligang Batas patungo sa pederalismo, ito naman ang magiging daan ni Vice President Leni Robredo upang maluklok sa Malacañang.
Anya, mas gugustuhin niyang magsagawa na lamang ng eleksyon upang makapili ng isang transition leader na mangangasiwa sa pagpapalit sa federal system.
“”Kung siya mag-presidente? Look, I will not resign because it will make her president. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila.”
“Siya, I don’t think she can ever be ready to govern a country. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines.” Pahayag ni Pangulong Duterte
VP Robredo handang pangunahan ang oposisyon laban sa Duterte administration
Handa na si Vice President Leni Robredo na pangunahan ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa administrasyon nito.
Ayon kay Robredo, kailangan nang magkaroon ng pagkakaisa ang mga kumokontra sa nagbabadya umanong diktadurya.
Dapat anyang magkasundo ang iba’t ibang paksyong tutol sa marahas umanong polisiya ng administrasyon para sa isang tunay na layunin upang magkaroon ng solidong oposisyon.
Aminado rin si Robredo na kailangang magkaroon ng isang boses ang oposisyon bago ang 2019 midterm elections.
—-