Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magmamakaawa ang Pilipinas kahit walang tulong na ibinibigay ang international community partikular ang Estados Unidos, United Nations at European Union.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos payuhan ang ilang kaalyado maging si Vice President Leni Robredo na maghinay–hinay sa kanyang pananalita dahil posibleng mawala ang tulong ng international community sa Pilipinas.
Ayon kay Duterte, malaya ang mga international partner ng bansa na i-withdraw ang kanilang assistance at hindi naman luluhod o magmamakawa ang gobyerno ng Pilipinas para sa mga nasabing tulong.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kung pulubi anya ang tingin ng mga dayuhan sa mga Filipino, kakayanin naman ng mga mamamayan na mabuhay at hindi na nagugutom nang walang tulong ng Amerika, UN o EU.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, isang malaking kawalan sa Pilipinas ang tulong ng Amerika, United Nations at European Union.
Ito ang inihayag ng ekonomistang si Astro del Castillo bunsod ng mga banta ni Pangulong Duterte na puputulin ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika.
Tila hindi anya kapani-paniwala ang mga banta ni Duterte lalo’t malaki ang naitutulong ng US o EU sa ekonomiya ng Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ng ekonomistang si Astro del Castillo
Ibinabala naman ni Del Castillo na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung mawawala ang suporta o tulong ng Amerika.
Bahagi ng pahayag ng ekonomistang si Astro del Castillo
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23) | Siyasat