Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na makikipag-ayos sa mga may-ari ng Maynilad at Manila Water kaugnay sa kwestiyonableng water concessionaire contract ng mga ito sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinusubukan ng mga opisyal ng dalawang water concessionaire na ayusin ang problema ngunit aniya malabo nang mangyari ito dahil galit na siya.
Aniya matagal nang ginagawang gatasan ng Maynilad at Manila Water ang mga Pilipino.
Maaari pa siguro umanong pumayag siyang ayusin ang kanilang problema kung magagawa ng dalawang water concessionaire na ibalik sa taumbayan ang pera na dapat nilang isauli.
Dagdag pa ng pangulo, hindi siya natatakot na mawalan ng suplay ng tubig sa Metro Manila dahil handa umano niya itong i-take over.