Nanindigan si incoming president Rodrigo Duterte na hindi siya dadalo sa isasagawang proklamasyon sa kanila ni incoming Vice President Leni Robredo.
Sa isinagawang pulong balitaan sa Davao City nitong Sabado, sinabi ni Duterte na wala siyang dinaluhang proklamasyon sa tinagal-tagal niyang naninilbihan sa pamahalaan.
Inaasahang gagawin ang proklamasyon kina Duterte at Robredo sa Batasang Pambansa mamayang hapon pagkatapos aprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang committee report ng National Board of Canvassers o NBOC.
Dahil dito, maitatala sa kasaysayan si Duterte bilang kauna-unahang naging pangulo ng republika ng Pilipinas na iprinoklama in absentia o hindi dumalo sa proklamasyon.
By Jaymark Dagala