Sa kabila ng pagtaas ng kanyang ratings sa presidential preference surveys, muling nanindigan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa eleksiyon sa susunod na taon.
Batay sa Pulse Asia survey, si Duterte ang malakas na presidential candidate sa Mindanao na mayroong 37% rating habang 15% ang nakuha ni Senator Grace Poe at 18% naman kay Vice President Jejomar Binay.
Subalit, giit ni Duterte, wala siyang balak na tumakbo lalo’t tutol dito ang kanyang pamilya partikular ang anak niyang si dating Mayor Sara Duterte.
By Jelbert Perdez