Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang alam sa biglaang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes.
Sa isang pulong balitaan sa Lima, Peru, sinabi ng Pangulo na diskresyon na ng pamilya Marcos kung kailan nila ihihimlay ang yumaong diktador at hindi na siya nag-abala pang magtanong.
Binigyang diin pa ng Pangulo, labas na siya sa kung kailan ililibing ang dating Pangulo dahil sa pinayagan na niya ito at may desisyon na rin ang Korte Suprema hinggil dito.
Hindi na rin niya kinakailangang pumunta pa sakali man dahil wala rin naman aniya siyang makukuha o mapapala kahit ipabatid sa kaniya ang petsa ng libing.
By Jaymark Dagala