Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magsagawa ng coup d’état ang militar.
Ito ang inihayag ng Malakanyang kasunod na panawagan muli ng pangulo sa mga mambabatas na amyendahan ang konstitusyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang babala dahil tila aniya nagiging aligaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng malawakang kurapsyon sa gobyerno.
Aniya posibleng may natanggap na impormasyon ang punong ehekutibo ukol sa posibleng coup d’état.
Magsisilbi rin umanong bababala ito sa lahat na kapag nagalit ang militar ay hindi malayong mag- coup d’état ang mga sundalo.
Magugunitang nakiusap aniya si Pangulong Duterte sa sundalo at pulis na huwag nang mag-coup d’état kung ayaw na ng mga ito sa kaniyang pamumuno.