Patuloy na namamayagpag si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong pre-election survey ng Pulse Asia na kinumisyon ng ABS-CBN.
Sa survey na isinagawa mula April 19 hanggang 24 sa may 4,000 rehistradong botante, nakakuha si Duterte ng 33 percent at lamang na ito ng 11 puntos sa kanyang karibal na si Senador Grace Poe.
Statistically tied sa ikalawang pwesto sina Poe (22 percent) at administration bet Mar Roxas (20 percent).
Sinundan naman ito ni Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 18 percent, habang si Senador Miriam Defensor Santiago ay 2 percent.
Isinagawa ang survey matapos ang rape joke ni Duterte.
VP
Sa vice presidential race naman, nangunguna pa rin si Senador Bongbong Marcos.
Tatlumpu’t isang (31) peorsyento ang nakuha ni Marcos, mas mataas ng 5 puntos kumpara sa pumapangalawang si Camarines Sur Representative Leni Robredo na may 26 percent.
Nananatili naman sa ikatlong pwesto si Senador Chiz Escudero na may 18 percent, habang pang-apat si Senador Alan Peter Cayetano, 15 percent.
Tatlong porsyento naman ang nakuha ni Senador Antonio Trillanes IV at dalawang porsyento ang kay Senador Gringo Honasan.
Senatorial
Dinomina naman ng mga dati at kasalukuyang miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang pinakabagong Pulse Asia senatorial survey.
Nangunguna pa rin si reelectionist Senator Vicente Sotto III na nakakuha ng 47.6 percent.
Pumangalawa naman si Senador Franklin Drilon na may 46.7 percent.
Sinundan ito nina dating Senador Francis Pangilinan (43.4 percent), dating Senador Panfilo Lacson (39.9 percent), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (38.1 percent) at dating Senador Juan Miguel Zubiri (37.5 percent).
Pasok din sa magic 12 sina dating Akbayan Partylist Rep. Risa Hontiveros at dating Justice Secretary Leila de Lima na kapwa nakakuha ng 34.9 percent.
Gayundin sina reelectionist Senator Serge Osmeña (34.4 percent), dating TESDA Director General Joel Villanueva at dating Senador Dick Gordon na parehong nakapagtala ng 34 percent.
Kasama rin sa listahan ng probable winners sina reelectionist Ralph Recto (33.1 percent) at Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (30.5 percent).
By Meann Tanbio
Photo Credit: COMELEC