Isang “Chinese” ang tila napupusuan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa National Food Authority (NFA).
Sa pagharap sa media ng pangulo kagabi, sinabi nito na naghahanap siya ng isang Chinese rice trader na nasa negosyo na sa loob ng 20 taon.
Una rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang plano niyang pagtatalaga kay Retiring Army Chief Rolly Bautista bilang pinuno ng NFA, ngunit kalaunan ay nagpasya ang pangulo na ipwesto na lamang si Bautista sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Ngayon ang NFA, I’m looking for somebody else. I’m looking for a Chinese who has been there in the business maybe 20 years.” Pahayag ni Duterte.