Nasa Thailand na si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
Pasado alas-10 ng gabi nang lumapag sa Bangkok ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Duterte mula Davao City.
Bago umalis, inihayag ng pangulo na kabilang sa kaniyang tatalakayin sa ASEAN ang pag-angkin ng China sa South China Sea.
Kanya rin aniyang itatanong sa iba pang mga lider sa ASEAN kung tamang angkinin ng China ang lahat ng mayayamang karagatan.
I will talk about it dito sa ASEAN. It’s not a matter of ‘yung 10 dash 9, 9 dash 10. Simple lang, can you claim an ocean as your own? Because tell now, because I will also claim mine,” ani Duterte.