Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno sa pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Sa isinagawang situation briefing sa Batangas City kung saan nagtungo ang pangulo, pinuri nito ang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno dahil aniya walang napaulat na nasawi o nagkasakit sa mga lumikas na residente dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
I am very satisfied with the response of everybody and the fact that no one was killed and no one is really very sick,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, nag biro ang pangulo na posible umanong nakalimutan ng mamamayan na mag-alay sa bulkang Taal kaya ito ay nag-iingay ngayon.
Ayon sa pangulo, higit niyang pinaniniwalaan ang kapangyarihan ng Diyos, ngunit wala rin naman aniyang mawawala kung susubukan ang pag-aalay na ginagawa umano nuong unang panahon.
Maybe you have failed to make some offerings there. You should go there and say a little prayer and offer something…it was true then, it might be true now.”