Bumida naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senadora Grace Poe sa pinakabagong survey ng Magdalo Group.
Mula sa 3,000 respondents, nakakuha ng 39.9 percent si Duterte na sinundan naman ng dating nangungunang si Senadora Grace Poe na nakakuha ng 26 percent.
Ginawa ang survey mula ika-9 hanggang ika-11 ng buwang kasalukuyan.
Ngunit, napansin ng grupo na inakala ng mga respondents na disqualified na si Senadora Grace Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo.
Samantala, pumangatlo naman sa nasabing survey si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 23.6 percent.
Habang nangulelat naman sina administration bet Mar Roxas na nakakuha ng 13.5 percent at si Senadora Miriam Defensor Santiago na nakakuha naman ng 4 percent at si dating ambassador Roy Señeres na nakakuha ng .1 percent.
By Jaymark Dagala