Tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong unang bahagi ng 2019.
Ito ay batay sa resulta ng Social Weather Stations o SWS survey na isinagawa noong March 28-31, 2019 sa isang libo apatnaraan at apatnapung (1,440) adults nationwide.
Lumabas sa resulta na nadagdagan ng anim na puntos ang net satisfaction rating ng Pangulo sa nakuha nitong positive 66.
Mas mataas ito kumpara sa positive 60 na nakuhang net satisfaction rating noong December 2018.
Sa kaparehas na survey, lumabas din na pitumpu’t siyam (79) na porsyento ng mga Pinoy ang masaya sa performance ng Pangulo.
Ito naman ay mas mataas ng limang porsyento kumpara sa pitumpu’t apat (74) na porsyento noong December 2018 survey.
—-