Inalis na bilang pinuno ng National Food Authority (NFA) si Administrator Jason Aquino.
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, mismong si Aquino ang nakiusap sa kaniyang ma-relieve na siya sa puwesto.
Nais na ring buwagin ng Pangulo ang NFA Council para mabawasan ang mga taong aniya’y nakikisawsaw sa rice importation.
Bilang solusyon sa kakapusan ng supply ng bigas, sinabi ng pangulo na kailangang mag angkat na ng bigas para bumaba ang halaga nito sa merkado.
Inihayag pa ni Duterte na isa rin sa mga option ang barter trade subalit ito ay depende sa go signal ng kaniyang economic managers.
“NFA Administrator Jason Aquino has requested that he be relieved already. He says he is tired and he cannot cope. I will scout for a new one.” Pahayag ni Duterte.