Pinayagan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ng mas maraming healthcare professionals sa ibang bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na uubra nang makaalis ng bansa ang mga healthcare workers na mayroong kontra hanggang ika-31 ng Agosto at mabebenepisyuhan dito ang mahigit 1,500 nurses at iba pang health workers.
Magugunitang tanging ang mga healthcare employees lamang na mayroong government issued overseas employment certificates at verified work contracts hanggang nitong ika-8 ng Marso ang exempted sa temporary deployment ban sa medial at allied health workers.
Exempted din sa bansa ang mga nagbabakasyong health workers na mayroon pang kontrata sa ibang bansa.