Pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagtatayo ng Anti-Child Trafficking Office.
Ito aniya ay para bigyan ng proteksyon ang mga batang Pinoy laban sa illegal trafficking.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang naturang usapin ay alinsunod sa mungkahi ni Special Envoy to the United Nations Childrens Fund (UNICEF) Monica Prieto Teodoro.
Ani Panelo, hiniling ni Prieto sa Pangulo na bumalangkas ng isang executive order na magtatatag para sa Anti-Child Trafficking Office na magbabantay at haharang sa mga sindikatong nais maglabas ng mga bata sa bansa.
Magugunitang isang dayuhan ang naharang sa NAIA matapos tangkain nitong ipuslit ang isang bagong silang na sanggol na nakasilid sa isang malaking beltbag.