Naitala sa ika-animanpu’t siyam na puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo
Ito’y batay sa listahan ng Forbes magazine mula sa kabuuang 75 personalidad na nasa kanilang catalog ng mga pinakamaimpluwensyang lalaki at babae sa daigdig.
Inside look at the world’s most powerful people of 2018:https://t.co/XYs8SGpMQz #PowerfulPeople pic.twitter.com/HRqLKSjUyy
— Forbes (@Forbes) May 8, 2018
Inilarawan ng naturang magazine si Pangulong Duterte dahil sa kanyang kampanya kontra iligal na droga gayundin sa kanyang bulgar na pananalita.
Magugunitang nasa ika-70 puwesto ang pangalan ni Pangulong Duterte sa naturang listahan noong isang taon.
Samantala, nanguna naman sa naturang listahan para sa taong ito si Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump, German Chancello Angela Merckel at Amazon CEO Jeff Bezos.
Kabilang din sa naturang listahan sina Pope Francis, Microsoft founder Bill Gates, Saudi Arabia Crowned Prince Mohammed Bin Alman Al Saud, Narendra Mondin ng India at Larry Page ng Google.
—-