Personal nang naghain ng kaniyang COC o certificate of candidacy sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Kasamang dumating ni Duterte sa COMELEC Head Office sa Intramuros, Maynila ang ka-tandem nitong si Senador Alan Peter Cayetano.
Pinalitan ni Duterte ang kandidatura nang umatras na kandidato ng PDP-Laban na si Martin Diño.
Kasabay nito, ipinabatid ni Duterte na hindi siya nababahala sa disqualification case na isinampa laban sa kaniya ng isang Ruben Castor.
Umaga pa lamang ay dagsa na ang mga supporter ni Duterte sa COMELEC.
Supporters
Nagtipon-tipon naman ang mga supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Kasabay ito ng opisyal na paghahain ng certificate of candidacy ni Duterte bilang presidential candidate sa 2016 elections, kanina.
Hati naman ang mga tagasuporta ni Mayor Rudy kung sino kina Senators Alan Peter Cayetano at Bongbong Marcos ang dapat niyang maging vice presidential candidate.
Sa kabila nito, nagkakaisa ang dalawang grupo sa paghimok sa COMELEC na payagan si Duterte na mag-substitute kay dating PDP-Laban standard bearer Martin Diño.
By Judith Larino | Drew Nacino | Aya Yupangco (Patrol 5)
*Photo Credit: cnnphilippines