Pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC-EC) na si Atty. Pedro Aquino Jr.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, iniutos ni Pangulo na magsumite ng resignation letter si Aquino at isang miyembro ng board ng PNOC-EC.
Paliwanag ni Panelo, nawalan na ng kumpiyansa si Pangulong Duterte sa opisyal.
Ito rin aniya ang patunay na nagpapatuloy ang anti-corruption campaign ng administrasyon na layong linisin ang pamahalaan mula sa mga tiwaling opisyal.