Pinakikilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na recruiter.
Sinabi ng Pangulo na dapat na bumalangkas ng mas mabisang paraan para mapanagot ang mga illegal recruiter.
Una nang isinulong ng pangulo ang pagtatatag ng Department of OFW para mapalakas ang ipinagkakaloob na proteksiyon at serbisyo sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.