Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapa-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte sa publiko nitong Lunes ng hatinggabi, nagdesisyon ang pangulo na palawigin pa ng hanggang sa ika-30 o katapusan ng Hunyo ang umiiral nang GCQ sa Metro Manila —batay na rin sa isinagawang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Samantala, isinailalim naman muli ni Pangulong Duterte sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City, habang modified ECQ naman ang paiiralin sa Talisay City —kapwa dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lugar, gayundin ang paglaganap ng community transmission sa mga barangay.
Magugunitang noong unang araw ng Hunyo ay pinaluwag na ang quarantine protocols sa Cebu mula sa modified ECQ patungong GCQ.