Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng GPH-MNLF panel.
Ito’y matapos ang ginawang pakikipag pulong ng Pangulo kay MNLF Chairman Nur Misuari.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ng punong ehekutibo si presidential adviser on the peace process Carlito Galvez na mag-convene na sa ikalawang linggo ng Setyembre sa Davao City.
Ito aniya ay para mailatag na ang coordinating committee sa pagitan ng gobyerno at MNLF.
Layon umano ng GPH at MNLF coordinating committee na magsilbing lugar para makuha ang pakikiisa ng magkabilang panig para makamit ang kapayapaan sa Sulu.