Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Change of Command ceremony ng Philippine Security Group (PSG) sa PSG Grandstand sa Malacañang Park, kahapon, ika-25 ng Pebrero.
Pagkakaisa sa pagbabantay ng mga institusyon sa bansa ang naging sentro ng talumpati ng pangulo para sa mga opisyal at tauhan ng PSG.
Ayon pa sa pangulo mas mahalagang maging tapat ang PSG sa bansa sa halip na sa kaniya.
Kasabay nito, pinasalamatan ng pangulo ang bagong PSG chief na si Colonel Jesus Durante sa pagtanggap sa responsibilidad na matiyak ang seguridad ng tanggapan ng pangulo, kaniyang pamilya at maging ng mga bibisita pang lider ng ibang mga bansa.
Kinilala naman ni Pangulong Duterte ang tapat na serbisyo ni outgoing PSG chief Brigadier General Jose Eriel Niembra kung saan naging payapa umano ang kaniyang kalooban para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya at iba pang mga head of state na bumista sa bansa.