Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinagawang command conference sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Iginiit ng pangulo ang pangangailangan ng komunikasyon partikular sa mga ahensyang kaugnay sa ganitong kalamidad upang maging mabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na mahalagang magkaroon na ng pagtaya sa mga posibleng mapipinsala ng bagyo para agad na itong mapaghandaan.
Bukod dito inatasan din ng pangulo ang ilan sa mga cabinet member kabilang na si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur “Art” Tugade at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III na i-check ang mga lugar na direktang maapektuhan ng bagyo.
(Ulat ni Jill Resontoc)
Duterte nangunguna sa Typhoon Ompong Command Conference na nagaganap sa NDRRMC @dwiz882 pic.twitter.com/Quzo93qB9g
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) September 13, 2018