Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Candon City Bypass Road sa Ilocos Sur.
Binisita kahapon ng pangulo ang naturang lansangan na itinuturing na mahalagang component ng comprehensive infrastructure development program.
Inaasahang matataguyod ng proyekto ang mas maraming aktibidad na makakapag-ambag sa ekonomiya at mas magpapabilis pa ng byahe sa mga urban at rural areas sa Ilocos Sur at mga kalapit probinsya.