Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng isang libreng application ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na tinatawag na 911 TESDA.
Layunin ng 911 tesda ang maging mas accessible sa publiko ang mga iniaalok na serbisyo ng mga nagsipagtapos sa techical vocational (tech-voc) training ng ahensiya.
Sa pamamagitan ng app o website nito na www.911tesda.ph, maaari nang makapag book ng mga serbisyo tulad ng aircon cleaning, housekeeping, massage therapy at plumbing sa Metro Manila, Bulacan, Palayan City, Nueva Ecija, Batangas, Rizal, Cavite at Laguna.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte, binigyang diin nito na napapanahon na ang nasabing programa kung saan kinakailangan nang makasabay ng mga Pilipino sa innovation.
Sa tulong din aniya ng 911 TESDA, mas mapapalapit ang mga TESDA graduates sa labor market.