Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang switch-on ceremony ng Sarangani Energy Corporation Power Plant o SECPP Sections one and two sa Barangay Kamanga, Maasim Sarangani.
Nagsimula noong Abril 2016 ang operasyon ng 105 Megawatt Section One nito habang inaasahan namang maging operational ang 105 Megawatt Section Two sa 2019.
Inaasahan ding makatutulong ang nabanggit na planta para maibsan ang problema ng brown outs sa Mindanao.
Una nang hinikayat ang energy players na mamuhunan sa Mindanao kung saan ilang taon nang nakararanas ng kakapusan ng supply ng enerhiya.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping