Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsususpinde ng klase sa lahat ng antas sa buong National Capital Region (NCR) simula ngayong araw hanggang Sabado, Marso 14.
Ayon kay Pangulong Duterte, layunin nitong mapangalagaan at maproteksyunan ang mga kabataan mula sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayundin aniya ang makabuo ng pamantayan sa mga posibleng madagdag pang bilang ng kaso.
Sa kabila nito iginiit naman ni Pangulong Duterte ang patuloy na pag-aaral ng mga estudyante habang nasa bahay lamang.
Dagdag ng Pangulo, matapos ang Marso 14 magkakaroon muli ng pagpupulong para sa magiging susunod na hakbang ng pamahalaan.
This day consensus that the by the body that classes we will be suspended and NCR (National Capital Region) lang beginning tomorrow and will end in March 14 mahirap kasi because of the contamination 10 years old is the same of the virus is very virulent that you know a contact, talking and shaking could place you jeopardy” Ani Duterte