Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Amnesty International na binabayaran ang mga pulis na nakapapatay ng mga drug suspect.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kailangang bayaran ang mga pulis dahil trabaho nilang arestuhin ang mga sangkot sa iligal na droga.
Sa bawat buy bust operations aniya ay mayroong perang dala ang mga otoridad para makabili ng droga na gagamiting ebidensiya laban sa mga maaarestong drug pusher.
Sinabi ng Pangulo na hindi ito bayad sa mga pulis at kung nagkabarilan man at napatay ang mga drug pusher ay dahil lumaban ang drug suspect.
Pero kung hindi ibinalik ang pera, malinaw na raket ito at ibinulsa ng mga tiwaling pulis ang marked money maging ang nakumpiskang shabu.
By Drew Nacino | Report from Aileen Taliping