Pinayuhan ng Department of Justice (DOJ) ang Pangulong Rodrigo Duterte na idulog na lamang muna sa Korte Suprema ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa tamang interpretasyon.
Pero ayon sa pangulo, sumugal pa rin sya na pasukuin muna ang halos 2,000 convicts na nakalaya sa ilalim ng GCTA para pahupain ang kontrobersya.
Wala ang heinous crime [in the IRR of the GCTA law], and the third says all convicted criminals – now you have to draw a conclusion that would not that be enough to convict you. Kaya iyon ang sinabi ko, ang nag-suggest niyan si Guevarra, ani Duterte.
Pero ako, I took the risk na magreport sila, palabasin ko naman sila ulit, ani Duterte.
Sinisi ng pangulo sina Senadora Leila De Lima at dating DILG secretary Mar Roxas dahil sila anya ang gumawa ng nakakalitong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng GCTA pero ang kanyang administrasyon ang nalagay sa alanganin.
Sila yung gumawa ng batas sa panahon nila, yung IRR [sa] kanila, so, tanungin natin sila ‘bakit ginano’n ninyo?’, hindi naman amin ‘yan, now we get the flap, ani Duterte.