Pinayuhan ni Communist Party of the Philippines o CPP Founder Joma Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na magpakonsulta na sa isang psychiatrist.
Ito ay upang matulungan aniya ang Pangulo sa sakit nito sa utak.
Ang pahayag na ito ni Sison ay tugon sa pahayag ng Pangulo na dapat nang magpakamatay ang CPP Founder dahil sa may sakit na ito at makakatulong pa ito sa gobyerno ng Norway na silang gumagastos sa gamutan nito sa pagpapagamot.
Sinabi ni Sison na naaawa siya sa Pangulo kung ano ano na ang pinagsasasabi dahil wala ito sa tamang pag-iisip.
Binigyang diin nitong hindi siya maaaring manahimik na lamang sa mga banat ng Pangulo dahil sa hindi aniya niya hahayaang ma-mislead ang taumbayan.
Nag-ugat ang palitan nang maaanghang na salita ng dalawa nang tuluyang kanselahin ng Pangulong Duterte ang back channel talks sa rebeldeng grupo.
By Ralph Obina
Duterte pinayuhan ni Joma na magpatingin sa psychiatrist was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882