Nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na kumuha ng refresher course sa law si Vice-Presidente Leni Robredo sakali mang palarin itong maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pagbibigay ng opinyon ni Robredo kaugnay sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at ng Estado Unidos.
Kinakabahan ako mag-Presidente ka…if by unfortunate chance, you become a President please study more. I say you need a refresher course a law, that is my advice to you. That visiting forces agreement may or may not continue depending on how the Americans behave toward us. Hindi sabihing kapag sinabi nila o sige ano na ‘yun na kaagad,″ani ng Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo, na unti-unti aniyang ginagawang base ng Amerika ang Subic sa Zambales at marami aniyang mga armas ang America dito sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ni ng Bise-Presidente.
Ma’am alam mo ba Ma’am as a President do you know there are so many depots? Maraming mga armas dito na nakalagay sa Pilipinas ang America. Do you know that they are slowly converting Subic into an American base, yan ang hindi mo alam, wala ka sigurong alam, ″wika ng Pangulo.
Giit ni Duterte, mas mabuting huwag na lamang magsalita si Robredo dahil wala aniya itong alam.
Kaya wala kang alam ‘wag ka magsalita. These are the things known to us because I have the reports and there are also assessment given to me, by the Armed Forces of the Philippines, at sinasabi nila kung ano talaga, what’s the deal, anong binigay ng mga Amerikano, gawain lang tayong outpost, tapos magpro-American ka,″pahayag ni Pangulong Duterte.
Samantala, wala pang pahayag ang Bise-Presidente kaugnay sa pahayag na ito ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi.—sa panulat ni Agustina Nolasco