Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging masunurin sa batas ng mga Filipino.
Ito ay matapos banggitin ng Pangulo sa ginanap na cabinet briefing ang nangyayaring kaguluhan sa Estados Unidos kasunod ng mga kilos protesta dahil sa pagkamatay ng isang black American sa kamay ng pulisya doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, ipinagpapasalamat niya na walang nangyayaring riot sa bansa.
Gayundin aniya ang katangian ng mga Filipino bilang mga masunuring mamamayan kaya hindi nahirapan ang pamahalaan na ipatupad ang community quarantine.
Magugunitang, nauwi na sa ilang araw na riot at insidente ng looting ang mga kilos protesta sa Estados Unidos sa isyu ng police brutality at racism bunsod naman ng pagkamatay ng black American na si George Floyd sa kamay ng isang white police officer.
Imagine if America ito, how can you enforced the lockdown and itong quarantine buti na lang so, we have to respond to the problem besetting the distribution of assistance to them,” ani Duterte.