Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng pondo para makabili ng mga transistor radio para sa mga malalayong lugar.
Ayon kay Pangulong Duterte, makatutulong ito sa pagsusulong ng alternative modes of learning sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Aniya, kung magtatagal ang ganitong sitwasyon dahil sa kumakalat na virus, mainam na mabigyan ng radyo ang mga barangay upang magkaroon ng komunikasyon ang mga mahihirap na estudyante sa kanilang mga teacher.
Ang radyo is hindi naman mahal. Kung magtagal ito talaga, sayang ang panahon, we might buy the radio at 300. Maibigay sa lahat ng barangay para yung mga mahirap may communication sila sa mga teacher nila,” ani Duterte.
Una rito, sinabi ni Education secretary Leonor Briones na bukod sa mga online platforms ay maaari ring magamit sa pagaaral ng mga bata telebisyon at radyo.