Planong kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamahalaan ng India kaugnay sa laganap na pagpapa-utang o “5-6” ng mga Indiano sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Duterte, pursigido siyang matuldukan na ng tuluyan ang “5-6” na isa sa mga lalong nagpapahirap sa mga Pilipino.
Masyado na anyang nakinabang ang mga Indian sa mga mahirap na Pinoy dahil sa mataas na interest rates ng kanilang ipinauutang kaya’t panahon na upang mismong ang Indian government ang kanyang direktang kausapin.
“I would like to officially talked to the Indian government regarding itong mga 5-6, ok lang ngayon na magpahiram sila ng pera but ang bagong style kasi nila pahiramin nila ng pera yung probreng Pilipino tapos pabilihan pa nila ng mga refrigerator, mga appliances so dublado ang kalbaryo ng Pilipino, if you do that I will get angry, why? Because you’re oppressing my country, so hindi tayo magkakaintindi diyan”, pahayag ni Pangulong Duterte.
By Drew Nacino / Race Perez