May posibilidad na hindi na ituloy ng Pangulong Rodrigo Duterte ang plano nitong ipatawag ang mga dating Pangulo upang talakayin ang isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa pagkaka-intindi niya sa naging pahayag ng Pangulo na hindi na nito papansinin ang kanyang mga kritiko hindi na nito pagtutuunan ng pansin ang mga banat sa kanya hinggil sa usapin ng WPS.
Sapat na aniya para sa Pangulo ang opinyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na mayruong malawak na kaalaman sa mga pinag a agawang teritoryo sa WPS.
Ayon kay Roque, tiwala ang Pangulo na tama ang paninindigan nito sa WPS at gumagana ang polisiya nito sa nasabing usapin.
Magugunitang nanindigan ang Pangulo na hindi papayaang may mawalang teritoryo sa ilalim ng kanyang administrasyon at hindi niya papaalisin ang mga puwersa ng gobyerno na nagbabantay sa bahagi ng teritoryo ng bansa