Ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkan ang lahat ng resources ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, personal n’yang nais maikot ang lahat ng lugar na apektado ng Bulkang Taal subalit pinaghihinay-hinay s’ya ng kanyang doktor dahil delikado aniya ang abo lalo na sa katulad n’ya na dating naninigarilyo.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na posible pa ring mag-ikot s’ya sa Batangas sa pamamagitan ng helicopter.
All government resources have been brought there including the human workers, we have anticipated it and pati mga Marines ko, mga sundalo ko nandun and the resources I said are there yung mga forward supplies they were carried over there 24 hours since its first explosion,” ani Duterte.
Kasabay nito ay binalaan ng Pangulo ang mga negosyante na magtatago at mag-overprice ng N95 masks na ipasasalakay nya ang mga ito sa otoridad.
Sinabi ng Pangulo na handa ang pamahalaan na mamigay ng libre na N95 masks para matiyak ang kaligtasan ng publiko.