Umalma si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagkakasama niya sa cover ng TIME Magazine kung saan inilarawan siya bilang ‘strongman’.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong promote na opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Malacañang, sinabi nito na hindi niya nagustuhan ang pagkakalimbag ng kaniyang larawan sa naturang magazine.
“T*** i** itong Time Magazine na ‘to. Nilagay ako doon sa mga despot. Ba’t diktador ba ako? (It portrayed me as a despot. Am I a dictator?) Since when? Since when did I send somebody to prison for just talking against me?”
“Nilagay pa ako doon sa—, sinabay pa ako doon sa apat kami na mga mukhang monster pa ang pagka-drawing pa ng mukha.“
“Typically the drawing itself was really to fit you as a despot.” Ani Pangulong Duterte
Tila may malisya rin aniya ang pagkaktampok niya sa naturang babasahin dahil sa ipinakikilala siya bilang isang diktador at hindi bilang pinuno ng isang malayang bansa.
Magugunitang inihanay ang Pangulo kina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orban at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
—-