Pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang bilang ng mga mahirap.
Ayon sa National Anti-Poverty Commission o NAPC, itinatakda na ng Pangulo ang target na ibaba sa 25% ang poverty incidence rate sa loob ng tatlong taon.
Inihayag ni NAPC Lead Convenor Liza Maza na maglalaan ang Pangulo ng ilang porsyento ng kinikita ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporationsa online gaming para gamitin ng komisyon sa pagtulong sa mga mahirap.
Batay sa October 2016 poverty data ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumaba ng 21.6% ang antas ng kahirapan noong 2015 o 21.9 million ng mga Pilipino na hindi makabili ng basic food at non-food items.
By Drew Nacino