Puspusan na ang paghahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang igiit sa China ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration hinggil sa nine dash claim ng China sa South China Sea.
Ayon kay Senador Bong Go, tuloy na tuloy ang biyahe ng pangulo sa China sa August 28 sa kabila ng pagod dahil sa sobrang dami ng kanyang trabaho.
Ibinunyag ni Go na marami ang bumubulong sa pangulo na huwag nang isulong sa meeting nila ni Chinese President Xi Jinping ang karapatan ng Pilipinas sa South China Sea subalit hindi ito magpapapigil base na rin sa pagkakilala niya sa pangulo.
Una nang sinabi ni Go na hindi nakadalo sa paggunita sa National Heroes Day ang pangulo dahil madaling araw na itong natulog dahil sa dami ng pinirmahang dokumento at iba pang trabaho.
(with report from Cely Ortega- Bueno)