Welcome sa ilang kongresista ang umano’y kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session para talakayin at maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sinabi ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe na ngayon pa lang ay may mga dialogue nang ginagawa ang mga nagususulong ng BBL sa iba’t ibang bloc sa Kamara.
Inaasahan na rin aniya na sasabak sa dayalogo ang mga partylist upang ipaliwanag ang nilalaman ng BBL.
Una nang isinusulong ng Pangulong Duterte ang BBL na susi umano tungo sa pagkakatatag ng isang Bangsamoro Entity na bahagi ng peace process sa mga Moro.