Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga tiwaling opisyal na mapatutunayang sangkot sa korapsyon sa PhilHealth.
Sa kanyang public adress, sinabi ni Pangulong Duterte na gugugulin niya ang nalalabing dalawang taon ng kanyang termino para matiyak ang pag-iimbestiga, pag-uusig at pagpapakulong sa mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth.
Iginiit din ng pangulo na hindi dapat mahalo ang usaping kinahaharap ng PhilHealth sa pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gayundin ang paggasta sa pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.
Itong pera sa Bayanihan, I will still impose stricter measure, pero itong nagnakaw ng pera ng bayan, lalo na ‘yang sa COVID, they will go to prison. I am sure, pag wala akong nakita na magpapakulong, magdampot ako ng tatlo sa kanila, kulungin ko. Pilitin kong kulungin para may makulong lang talaga sa ginawa nila dito sa pera ng tao,” ani Duterte.
Samantala, ipinag-utos rin ng pangulo ang buwanan o kada 15 araw na paglalathala sa naging paggasta ng lahat ng mga ahensiya at kagawaran ng pamahalaan.
Ito aniya ay bilang pagsasalang sa naramdamang sama ng loob ng taumbayan kinasasangkutang isyu ng PhilHealth.
The rule to apply for them ‘yung magreport sila ng respective agency disbursement. Ilagay nila magkano ang ginastos and for what. At the end of the month, maybe, buwanan maganda, makita nila kung ‘yung pinuntahan ng pera, pumunta ba talaga sa gastos at sino. That is, in view of the, sama ng loob ng tao ‘tong sa PhilHealth na ito. Lalo na itong PhilHealth, maski paper clip, ipublish ninyo, at sino ‘yung bidder,” ani Duterte.