Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitiko na protektahan ang integridad ng eleksyon 2019.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis “Tol” Tolentino sa Tagaytay City, nakiusap ang Pangulo sa mga kandidato na huwag gumawa ng anomang pandaraya at pananabotahe sa magiging halalan.
Sa halip na manggulo, sinabi ng Pangulo na maaari naman siyang tumulong para ikampanya ang mga mahihinang kandidato.
Samantala, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitikong magbabanta sa buhay ng naiwang pamilya ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.
Sinabi ng Pangulo na posibleng palitan si Batocabe ng kanyang asawa o anak sa pagtakbo bilang alkalde ng Daraga, Albay.
Kung magkagayon, sakaling makaranas ang mga ito ng pagbabanta mula sa hindi pinangalanang pulitiko ay hindi siya magdadalawang-isip na sampalin ito.
Bago ang naging pahayag ng Pangulo ay una nang pinangalanan ng Philippine National Police si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay Batocabe.
—-