Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na maghangad ng maganda para sa lahat kasabay ng kanyang pagkilala kay dating Senador Ninoy Aquino Jr., ang pangunahing personalidad na kumontra sa Rehimeng Marcos.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa ika-34 na taong paggunita sa kamatayan ni Aquino.
Ayon kay Duterte, nasaksihan ng kasaysayan ang mga ginawa ni Aquino bilang isang mamamahayag at pulitiko na nagtulak sa kanya upang magdulot ng positibong epekto at makabuluhang pagbabago sa ating lipunan.
Naging matatag aniya ang paninindigan ng dating senador sa laban nito upang maibalik ang demokrasya sa mapayapang paraan.
Idinagdag din ng Pangulo na kahit sa huling yugto ng buhay ni Senador Aquino ay pinukaw nito ang sambayanan para magkaroon ng mapayapang rebolusyon na nagresulta sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
By Drew Nacino