“Wag kayong maniwala diyan,”
Ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos batikusin ni Vice President Leni Robredo ang kahandaan ng pamahalaan para kaharapin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa pangulo wala na lamang masabi ang kaniyang mga kritiko patungkol sa mga ginawang hakbang ng gobyerno para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Giit ng pangulo, ginagawa ng gobyerno ang lahat para tugunan ang pangangailangan ng publiko sa gitna ng nararanasang pandemya at wala na umanong magagawa sa mikrobyo o virus na tila nariyan lamang sa paligid kundi ang antayin ng bakuna.
‘Wag kayong maniwala diyan. Sus, itong mga dilawan lalo na, I hate to mention her name, but itong si Leni kung anu-ano ang pinagsasabi,” ani Duterte.