Ipinagmalaki ng Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y pagwasak niya sa mga oligarchs sa bansa kahit na hindi sya nagdeklara ng Martial Law.
Ayon sa pangulo, sinira nya ang mga oligarchs na aniya’y kumokontrol sa ekonomiya ng bansa at nananamantala sa kanilang political power.
Bagamat walang tinukoy na pangalan o grupo ang pangulo, ginawa nya ang pahayag limang araw matapos ibasura ng Kongreso ang aplikasyon para sa prangkisa ng ABS-CBN.
Matatandaan na ang pagiging oligarko rin di umano ng mga Lopez na syang may ari ng naturang network ang ginamit na dahilan nuong panahon ng Martial Law kaya’t kinuha ito sa kanila ng pamahalaan.
Kahit ako mamatay, mahulog ang eroplano, I am very happy. Alam mo bakit? Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Filipino people,” ani Pangulong Rodrigo Duterte