Sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, ang decommissioning o pagbababa ng armas ng mga MILF ay bahagi ng normalization process na nakapaloob sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno at naturang grupo.
Sinabi pa ni Galvez na pagpapakita ito na ang panahon ng giyera ay tapos na at patungo na ang bansa sa bagong yugto ng tunay at sustenableng kapayapaan sa buong Mindanao.
Inaasahang gaganapin ang pagsisimula ng decommissioning process sa Setyembre 7.