Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nais siyang patalsikin sa pwesto na kausapin na lamang siya kaysa magplano pa ng kudeta.
Sa kaniyang talumpati sa seremonya para sa mga bagong biling sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ng pangulo na pwede siyang sa Malakanyang ng mga sundalo upang kausapin ukol sa pagbaba sa kaniyang pwesto.
Sinabi ni Duterte na ang pagsasagawa ng kudeta para lamang siya ay pababain sa pwesto ay aksaya lamang ng oras.
“So if you think that I do not deserve to be there, just tell me. I’d be happy to oblige pagod na rin ako. If you think that is better neither on the side who should be…kayo? I will not order my PSG ako sa likod pupunta kayo sa harap magdala kayo ng mga mechanized you would look silly. Do not do that. Just go to my office mag-usap tayo, I will hear you. And if you think that tama ka matanda na ako, hindi na ako makakapagtrabaho or I am no longer be able to articulate what I should be doing in government, just tell me.” Pahayag ni Duterte.