Tinawag ni Senador Ralph Recto ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte na Presidential.
May determinasyon at may panghikayat.
Ayon kay Recto, hindi gaanong mahaba pero interesante ang nilalaman ng talumpati ng Pangulo.
Sa pananaw ni Recto, balanse ang planong gawin ni Duterte na pagtupad sa kanyang ipinangako sa publiko kung saan tiniyak nitong hindi aabuso ang kanyang administrasyon sa pagsusulong ng kanilang mga hangarin para sa bansa.
Bagaman tiniyak ng Pangulo ang matinding paghabol sa mga kriminal, hindi naman nito babalewalain ang rule of law.
Gagawing kumportable ang kalagayan ng mga mahihirap pero hindi sa paraang pahihirapan ang mga nasa maayos ng sitwasyon.
Tutulungan ang mga manggagawa pero hindi ilalagay sa alanganin ang mga employer.
Ayon kay Recto, ang mga pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay magandang kumbinasyon ng pagiging matapang pero responsableng lider, bagay na siyang kinakailangan ng bansa sa ngayon.
By: Avee Devierte